jeonhuiverse

250.

“Uy. Di ka nagrereply? Sabi ko tara na uwi na tayo.” tanong ni Wave nang makita niyang nakaupo sa may bar counter ng kitchen si Hui.

Hui just looked at him, then went back to looking at the drink in his hand.

“Ayaw mo pa ba umuwi?” No response. Kaya naman lumapit na siya dito at tumabi.

“Sabay na tayo umuwi, tara.”

“Si Yin kasabay ko.” Hui answered plainly.

“Sinabi ko na, alam na niya na ako na maghahatid sa'yo. Umalis na din sila Jeo kasama si Sylv.” Hindi parin siya pinansin so Wave nudged him on the side. “Huuyy..”

This time tumingin si Hui sakanya and then finally he spoke, “Bakit kinakausap mo na ko ngayon?”

“Ha?”

“Akala ko balik na tayo sa hindi magpapansinan? Yung di mo ko kakausapin di rin kita kakausapin tapos titignan mo lang ako nang masama, ganon?”

“What?”

Umiwas na siya ng tingin kay Wave tsaka bumulong sa sarili, “Oh nabingi na din siya ngayon..”

Wave sighed. “No, sorry.” mahinang sabi niya pero wala eh nagtatampo si Hui kaya hindi parin siya nito nililingon ulit. Lagot ka Wave suyuin mo 'yan!

“Hey sorry na nga.” tsaka marahang hinatak sa braso si Hui at pilit na pinapaharap ito sakanya.

“Sorry saan?”

“Basta sorry na nga kasi!” with a slight hint of annoyance. Hindi naman kasi siya sanay sa ganto. If ever may hindi pagkakaintindihan with his friends, they would just let the day pass then the next ay ayos na, or minsan isang sorry lang niya okay na. Sanay na din naman kasi sa kanya ang mga kaibigan.

But of course, iba si Hui.

“Oop oop! Ngayon mo na nga lang ako kinausap tapos magsusungit ka pa? Ano nagsosorry ka ba talaga? Ba't parang ikaw pa galit?!”

Wave sighed again. “Okay sorry. If you think I was ignoring you.”

“Bakit hindi ba? Sus, iinvite invite mo ko dito tapos hindi mo man lang ako kausapin o kahit batiin man lang? Ano 'to?”

“Well technically, it was Apollo who invited you.”

“Ah so di mo talaga gusto na pumunta ko?”

“What?! That's not what I said! My point is... t-this is his party and siya naman talaga 'yung—” Wave was cut off when he heard Hui laughing beside him.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Jeon, ang defensive mo! Hahahahaha! Oo na gets ko naman, inaasar lang kita.”

“Bwisit 'to.” at tinaasan lang niya ng kilay si Hui. “So di ka galit?”

Hui shook his head, smiling at him. LANGYA TRIP MO NANAMAN AKO WEN, he thought to himself.

Wave is trying to feign annoyance but deep inside he's relieved they are back to normal. And by “normal,” I mean Hui annoying him and him pretending he's not enjoying his presence.

-

“Hindi nga kasi kita tinext kasi aasarin lang ako nila Yin pag ikaw pa sumunod samin sa labas!” Hui shouted in defense.

They are currently talking about why he didn't text Wave nang dumating ito kanina. They've also talked about his best friends teasing him about Wave but when asked about why they would be teasing him, syempre ang sinabi lang nito sakanya ay dahil maiisue lang talaga ang mga kaibigan. Alangan namang aminin ni Hui na he's having a “little” crush on him? Syempre hindi.

“De, wala. Tignan mo. Ang sabihin mo ikaw talaga umiiwas.”

“Wow! Ibabalik pa sakin. Kagaling!” Hui laughed making Wave chuckle as well.

“For the record, Wen, hindi kita tinitignan ng masama kanina ah.”

“Kahit na halos patayin mo kami sa tingin mo nung nagbbeer pong kami?? Di lang ako naka pansin 'no! Pati si Yin kaya tsaka sila Charlie.”

Totoo naman. Wave was giving dagger looks again habang naglalaro sila ng beer pong kanina but it's not directed towards him. Not really. HAHA baka sa mga kalaro niya?

“Ah. Charlie pala.” this time it was Wave who looked away.

“Mhmm..” Hui nodding. “Ang kulit nga eh alam mo ba pareho pa—”

“Tara, uwi na nga tayo.”

Then Wave stood up leaving a dumbfounded Hui.

240.

Nasa grab na ngayon si Yin at Amiel pagtapos ng napakatagal na hatakan at buhatan. It seems like the latter fell asleep already dahil tumigil na siya sa pangungulit sa nakababata. Yin was tired already, ang bigat bigat ba naman ng inaakay niya mula pa kanina, but when he looked at the sleeping giant beside him he can't help but smile.

— flashback —

It's already past midnight. Nagsiuwian na ang lahat ng bisita ni Apollo maliban sa kanilang magkakaklase.

Shaun and Kenji are now sleeping inside one of Apollo's guest room, hindi na sila hinayaang umuwi pa ni Apollo dahil bukod sa pareho silang nakainom ay bagsak na din si Shaun kanina pa. Hindi rin naman kakayanin ni Kenji na alalayan 'yun magisa dahil kahit siya ay lasing na. 'Weaklings', ika nga ni Apollo.

Hindi parin bumabalik si Hui mula nang umalis siya kanina, si Alon naman ay umalis din mga ilang minuto na nakalipas kaya aapat nalang silang natira ngayon sa may living area. Si Sev, Apollo, Yin and Amiel...

... Amiel who is now drunk DRUNK. Isa pang 'weakling'.

Nakahiga siyang patagilid sa may sofa habang paulit ulit niyang sinasabing namimiss niya na ang roommate niya. At times ay bigla naman siyang babangon papaupo at biglang aakbay sa katabi at magsasalita, “Bakit ayaw ako pansinin ni Yin!”, tapos babalik ulit sa pagkakahiga. Kaya naman tawang tawa sakanya si Apollo at Seb samantalang nakangiti lang sakanya ang katabi niya, si Yin.

“Tanga! Anong hindi pinapansin? Kanina pa nga kayo mag kausap, hayyy lasing.” Natatawa paring sabi ni Apollo.

Alam naman ni Yin na it's just because of the alcohol but what actually makes it funnier is because ang laki laki ni Amiel pero para siyang batang nagtatantrums.

“Huy Miel, di ka na nahiya.” pinipilit nang patayuin ni Apollo si Amiel. “Umayos ka! Feeling close ka kay Yin.”

Seb also tried to help, giving Yin an apologetic smile. “Sorry ang gugulo ng mga kaibigan namin.”

“It's okay.” Yin smiled back, dahil okay lang naman talaga sakanya. He actually finds this amusing.

Naalimpungatan naman si Amiel nang marinig ang pangalan ni Yin, so he sat up again eyes still shut and then shouted, “Ano'ng feeling close! Close talaga kami 'no?!” then he went back to lie down.

“Roommate ko 'yun eh. Close kami nun.” he added, more softly this time.

Napatingin naman si Apollo kay Yin and the latter just gave an awkward smile.

“Wait, so ikaw 'yun?” Yin nodded and Apollo just laughed. “Ok. Now I get it, kaya pala.”

“Kaya pala?” Yin asked.

“Wala wala. Alam mo crush ka niyang tropa ko.” Yin just laughed at Apollo and Seb just looked at him unbelievably, as if saying 'Bakit mo nilalaglag sarili mong kaibigan lab?!'

Pero hindi pinansin yun ni Apollo, he continued by saying, “Oo nga! Tawa tawa ka dyan, gusto ka niyan. Tignan mo 'to... Pst Miel.” he called waiting for Amiel to give any kind of response.

“OH?!” pasinghal na namang sagot ni Amiel, making Seb and Yin chuckle. Parang laging naghahanap ng away eh.

“Di'ba sabi mo roommate mo si Yin?” Amiel nodded kahit pa nakapikit siya. “Ano kasi gusto daw ng tropa ko, tinatanong number, bigay mo naman sakin.”

“Baka sapak ibigay ko dyan sa tropa mo!” sigaw nanaman ni Amiel.

Tawang tawa na si Apollo but he continued, “Bakit? Gusto mo ba 'yun si Yin?”

Amiel went silent for a second so Apollo took a glance at Yin, parang nagiintay din siya ng sagot.

“Oo.” simpleng sagot lang ni Amiel. Then he added a few seconds later, “Tsaka ang papanget ng mga tropa mo, Apol!” making the three of them laugh.

”'Di sila bagay kay Yin...”

”... ganda ganda nun eh.”

— end of flashback —

Yin chuckled as he remember those. He may have blushed a little pero buti nalang at madilim sa grab at dadalawa lang naman sila ni Amiel sa likod, walang ibang makakakita.

— As their grab arrived in front of their apartment, Yin's struggle starts again. Bukod sa bubuhatin nanaman niya ang mabigat na si Amiel ay kung ano ano pang sinasabi nito at ang ingay ingay nanaman. Hiyang hiya na si Yin kaya naman gusto nalang niyang makapasok na sila sa loob.

Once they are inside, ibinaba niya agad ito sa sofa but Amiel's weight dragged him down kaya napaupo na din siya.

“I'll go to my room na, Amiel.” he said tapping Amiel's hand on his shoulders.

Akmang tatayo na siya pero pinigilan siya ni Amiel na napakalakas na naman ng boses. “'Wag mo ko iwaaaaaaan!”

“Amiel! Oh my gosh your voice is too loud!”

“Eh kasi iiwan mo ko dito!”

“D'yan ka na matulog. Just go to your room if you can. You're too heavy, sakit na ng likod ko.”

“EEEEEHHHH!” sigaw nanaman ni Amiel kaya tinakpan na ni Yin ang bibig niya. Their faces are inches away now.

“Kapag di ka tumigil hahalikan kita. Stop shouting okay? Ano'ng oras na baka magising yung mga nasa taas.”

Amiel didn't try complaining, hindi na din sya nagsalita. Tumango lang siya so Yin smiled thinking, 'finally!' Inalis na niya ang kamay sa pagkakatakip ng bibig nito. Yin was about to stand up when Amiel put his hand on the back of the younger's neck and pulled him in, causing their lips to press against each other.

Amiel kissed Yin, and Yin just let it happen.

Their eyes are both closed, lost in a sense of confusion. One about whether he's just totally wasted and this is just a dream, and another over what the fuck is this.

Amiel presses his lips closer to Yin's in an effort to gain access and lick the insides of his mouth. Yin then again complies, now also quietly grunting as he receives aggressive licks from the latter. They both kissed till they had to stop and gather their breaths. When they eventually parted, Yin heaves his chest and places his forehead on Amiel's as he tries to regain his breath.

“Sana hindi nalang 'to panaginip,” Amiel whispered abruptly as he glanced at Yin with glazed eyes while practically gasping from their kiss.

Amiel immediately fell asleep after that.

Yin fixed Amiel's position so he won't be uncomfortable while sleeping, then tucked him inside a blanket. “It's not, Amiel.” he said as he kissed his forehead goodnight.

216.

Pagakyat ni Sylv ay nakita naman niya agad ang pinto ng CR na tinutukoy ni Apollo. He was praying and hoping na sana ay walang tao, so he was so relieved when he turned the knob and it opened. But it was short lived cause he saw a person crouching down the shower.

“Sorry sorry! I didn't mean to! Hindi kasi naka lock yung pinto.” he shouted as he immediately went back outside. Well, hindi pa naman siya tuluyang nakakapasok at wala naman siyang nakita, but still.

“Aaaargh!” sigaw ng tao sa loob which made Sylv flinch. Di niya alam kung ano'ng gagawin because that person seems like they're in pain based on the tone of their voice, pero hindi naman din nya sigurado kung ano bang nangyayari. “Argh, fuck!” another shout.

“Hey man!” hindi na niya naiwasan, “Ano'ng nangyayari, okay ka lang?”

No response, just another grunt. Then followed by another one.

“Huy ano ba nangyayari sa'yo dyan?!” aside from being concerned kailangan na din talagang umihi ni Sylv that's why hindi siya makaalis, hindi rin naman niya gustong bumalik sa CR sa baba.

Wala na siyang narinig ulit galing sa loob so kung ano ano nang naisip niya, What if nahimatay na 'to? Or baka naman nakatulog lang? Pero bakit siya sumisigaw ng ganun, ano ba ginagawa neto? Naiihi na talaga ko putek.

Sylv knocked then asked, more softly this time, “Uhh... Matagal ka pa ba?”

Again, no response.

“Papasok na ko ah! Baka ano na nangyari sa'yo dyan.“ then he opened the door again.

True enough pumasok na nga si Sylv at mas malinaw niya na ngayong nakikita ang tao sa loob, kanina kasi ay naninag lang naman niyang may tao. Nakaupo ito sa sahig ng shower at nakayuko, hawak hawak din niya ang binti niya. Lumapit si Sylv to see if he's unconscious. “Gagi, lasing ata.” he whispered to himself but since silang dalawa lang naman ang nandito ay narinig parin siya ng binata, who clearly isn't asleep.

The guy looked up at him and when they both saw each others faces they both said in unison, “Ikaw?!” “Ano'ng ginagawa mo dito?!”

Wow. What a very small world. Sylv thought.

“Ikaw dapat tinatanong ko eh, ano'ng ginagawa mo d'yan?! Bakit naman dito mo pa naisip matulog.”

“Gago. 'Di ako natutulog.” Jeo rolled his eyes, and came back to his position a while ago. ipinatong niya ulit ang ulo sa naka angat na tuhod.

Ano, umiiyak ka lang?

Syempre hindi na sinabi 'yon ni Sylv but he's actually curious, bakit sa tuwing nakikita kita namumula mata mo like you just cried. Hayy..

“Eh ano ngang ginagawa mo? Di ka ba aalis dito? Naiihi na ko.”

“Edi umihi kana.” Jeo said casually which made Sylv sigh in disbelief.

Is he serious? Ano bang trip neto?

Sylv was about to ask him again kung bakit ayaw niya umalis dun when Jeo cried in pain again. “Tangina ano ba nangyari sa'yo?” Nakaupo na din ngayon si Sylv sa tabi ni Jeo.

“Y-yung paa ko... A-a-araaaay!” napasigaw nanaman siya dahil hinawakan ni Sylv yung binti niya.

“Tinatanong kita kanina kung kailangan mo ng tulong, kung ano nang nangyayari sa'yo.. tapos di ka sumasagot.”

“Eh okay lang naman ako.” then Sylv tried to move his ankle which made him wince again, preventing himself to make a sound.

”'Yan 'yung okay lang? Hindi ka nga makatayo diyan.” Sylv just kept on nagging Jeo. Tahimik lang naman sya habang minamasahe ni Sylv yung binti at ankle niya, “You sprained your ankle, ano ba kasi ng ginagawa mo.”

“Hindi ko naman kasi alam na madulas pala dito.”

“Kailangan mo tumayo, hindi pwedeng dito ka lang. Kailangan ng cold compress at hindi pwede ng dito mo ipapahinga 'yan.”

Jeo nodded and Sylv helped him try to stand up.

“A-aagh! Shit. Dahan dahan naman!”

“Oo na. Wag ka kasi malikot.”

“Masakit talaga.. Saglit lang.”

“Kapit ka sakin.”

Naluluha nanaman si Jeo...

“Hey.. ssh.” Sylv wiped his tears then Jeo smiled at him, a smile like the one he gave at 711 before. A smile Sylv can't forget. A pained but grateful smile.

Jeo put his hands on the younger's shoulders while Sylv wrapped his arms on his waist.

“I'm here. I got you.” A promise Sylv intends to keep. May it be because of the sprain or something else, Sylv wants to help him. Hindi niya din alam bakit at paano, but he will.